The Euphoria Pill

“Quiero hacer contigo lo que la primavera hace con los cerezos.” -Pablo Neruda

22 years young + Filipina + MNL & JPN

|Ask| + |About Me| + |Archive|


Talumpati ng Kagalang-galang
Benigno S. Aquino III 
Pangulo ng Pilipinas 
Sa ika-114 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan
“Sa susunod na taon, ipagdiriwang natin ang proklamasyon ng araw ng kalayaan sa Pinaglabanan. At ang plano po natin ay sunod na gunitain ito sa Visayas, at maging sa Mindanao. Bakit taun-taon tayong lumilipat sa iba’t ibang makasaysayang lugar? Upang iparamdam na ang ating kasarinlan ay hindi lamang nangyari sa Kawit, o dito sa Malolos, o sa Luzon lamang. Angkop lamang na maramdaman ng bawat Pilipino—mula sa mga pinakaliblib na bulubundukin, hanggang sa pinakamalalayong isla, kasama na rin ang mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibayong dagat—na ang ipinagdiriwang tuwing ika-labindalawa ng Hunyo ay selebrasyong pambansa; na ang diwa nito ang araw-araw na nagpapaalab sa adhika nating maging malaya.
Tunay na demokrasya para sa lahat ng Pilipino: ito ang kaluluwa ng ating Konstitusyon; ito ang dugong dumadaloy sa puso ng ating malayang Estado. Tangan ang mandato ng Saligang Batas, hindi na natin hahayaang bukbukin, dungisan at gamitin ito ng kahit na sinuman para lamang manlamang sa kapwa at magpakasasa sa kapangyarihan.
Ito ang ipinapaalala sa atin ng Barasoain Church. Noong 1898, nagtipon ang ating mga ninuno dito sa Malolos upang itindig at patibayin ang ating Republika. Ito rin ang nangyari noong 1986 sa EDSA nang buwagin natin ang diktadurya. Ganito rin ang naganap sa halalan noong 2010 na nagbigay daan sa ating mga reporma. Patunay ang mga biyaya ng kasaysayan: makakamtan lamang ang tunay na kalayaan kung handa ang bawat isa sa ating magkakalyo ang talampakan, at diligan ng dugo’t pawis ang ating lupang sinilangan. Taas-noo rin tayong maglakbay tungo sa isang Pilipinas na malaya, hindi lamang sa panggigipit ng mga dayuhan, kundi lalo na sa kurapsyon, gutom at kawalang-katarungan. Buwagin natin ang bartolina ng kadamutan at pagkakanya-kanya; kumalag tayo mula sa tanikala ng pagbabatuhang-sisi at pagwawalang-bahala. Ito ang kahulugan ng tunay na kalayaan.”
Para sa buong talumpati, tignan dito.

Talumpati ng Kagalang-galang

Benigno S. Aquino III 

Pangulo ng Pilipinas 

Sa ika-114 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan

Sa susunod na taon, ipagdiriwang natin ang proklamasyon ng araw ng kalayaan sa Pinaglabanan. At ang plano po natin ay sunod na gunitain ito sa Visayas, at maging sa Mindanao. Bakit taun-taon tayong lumilipat sa iba’t ibang makasaysayang lugar? Upang iparamdam na ang ating kasarinlan ay hindi lamang nangyari sa Kawit, o dito sa Malolos, o sa Luzon lamang. Angkop lamang na maramdaman ng bawat Pilipino—mula sa mga pinakaliblib na bulubundukin, hanggang sa pinakamalalayong isla, kasama na rin ang mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibayong dagat—na ang ipinagdiriwang tuwing ika-labindalawa ng Hunyo ay selebrasyong pambansa; na ang diwa nito ang araw-araw na nagpapaalab sa adhika nating maging malaya.

Tunay na demokrasya para sa lahat ng Pilipino: ito ang kaluluwa ng ating Konstitusyon; ito ang dugong dumadaloy sa puso ng ating malayang Estado. Tangan ang mandato ng Saligang Batas, hindi na natin hahayaang bukbukin, dungisan at gamitin ito ng kahit na sinuman para lamang manlamang sa kapwa at magpakasasa sa kapangyarihan.

Ito ang ipinapaalala sa atin ng Barasoain Church. Noong 1898, nagtipon ang ating mga ninuno dito sa Malolos upang itindig at patibayin ang ating Republika. Ito rin ang nangyari noong 1986 sa EDSA nang buwagin natin ang diktadurya. Ganito rin ang naganap sa halalan noong 2010 na nagbigay daan sa ating mga reporma. Patunay ang mga biyaya ng kasaysayan: makakamtan lamang ang tunay na kalayaan kung handa ang bawat isa sa ating magkakalyo ang talampakan, at diligan ng dugo’t pawis ang ating lupang sinilangan. Taas-noo rin tayong maglakbay tungo sa isang Pilipinas na malaya, hindi lamang sa panggigipit ng mga dayuhan, kundi lalo na sa kurapsyon, gutom at kawalang-katarungan. Buwagin natin ang bartolina ng kadamutan at pagkakanya-kanya; kumalag tayo mula sa tanikala ng pagbabatuhang-sisi at pagwawalang-bahala. Ito ang kahulugan ng tunay na kalayaan.

Para sa buong talumpati, tignan dito.